Lalaki sa Dilim BOOK REPORT

Aking kinailangan ang pagbabasa ng librong ito para sa book report sa eskwelahan, napagpasyahan kong ilagay ang aking naisulat dito para sa mga taong binabalak na basahin ang librong ito. Ito ay aking opinyon lamang.

Si Benjamin P. Pascual ay naging kilala sa larangan ng Panitikang Pilipino nang ang kaniyang kuwentong “Ang Kalupi” ay inilathala ng Liwayway noong 1952 sa edad na 24. Unang nabasa ng mga tao ang kaniyang istorya “Ang Lalaki sa Dilim” noong taong 1976 sa ilalim ng pamagat na “Psst… Ako ang Lalaki sa Dilim.” Siya’y pinalakpakan ng mga kritiko sa kaniyang istilo ng pagsulat sa usapan ng mga tauhan dahil ito’y madulas na nababasa at natural. Makalipas ang ilang dekadang pagsusulat ni Pascual, kinilala ng Unyon ng mga Manunulat sa Pilipinas noong 1994 ang natatanging ambag niya sa pagsusulat ng maikling kwento, dula, at nobela. Sa edad na 69 ay hindi pa rin ito humihinto sa pagsusulat.

Ang libro’y pinamagatang “Lalaki sa Dilim” na tumatalakay sa usaping maselan saanmang dako ng mundo, ang panggagahasa, at isinulat ni Benjamin P. Pascual kung ano ang resulta nang mangyari ito, sa biktima, sa may gawa ng krimen, at sa mga taong nakapaligid at naapektuhan ng pangyayari.

Ang pangunahing tauhan ng storya ay ang lalaking si Rafael Cuevas, isang espesyalista sa mata. Nakagawa siya ng matinding krimen sa isang babaeng bulag at maralita sa gabing siya ay inaya ng kaniyang kaibigang si Nick na pumunta sa isang nayt klab para sa stag party dahil siya’y malapit ng ikasal kay Margarita, kilalang opera singer. Bilang paghuhugas ng kaniyang konsensiya, binigyan niyang patago ang pamilya ng halagang 50,000 na pera at sulat na nagsasabing sa klinika ni Rafael magpagamot ng kaniyang mga mata. Sa mga linggong tinahak ng pagpapahinga ng bulag na babae na pinangalangang Ligaya ay sila ni Rafael ay naging matalik na magkaibigan sa loob ng klinika. Nagbunga ang karahasan ni Rafael kay Ligaya noong araw na iyon dahil nalaman niyang siya’y buntis at naging Ninong ng kaniyang sariling anak.

Sa pagsasama ng ngayong mag-asawang si Rafael at Margarita ay nagkaroon ng kabit ang babae at ito’y sa kaibigan ni Rafael na si Nick. Para kay Margarita ayos lamang para sa mag-asawa ang magkaroon ng isa pang karelasyon maliban sa asawa sa kadahilanang siya ay naimpluwensyahan ng liberal na pag-iisip ng mga banyaga. Isang araw ay nabasa na lamang ni Rafael sa dyaryo na pinatay na si Margarita at Nick sa loob ng isang otel. Ang may salarin ay si Marina, ang asawa ni Nick na matagal nang nagtitiis sa pambababae ng asawa. Sa huli, nagawang aminin ni Rafael kay Ligaya na siya ang gumahasa sa kaniya at nagkaroon ito ng bunga, nagulat ito ngunit nagawa naman ni Ligaya na patawarin si Rafael dahil sa tulong na ginawa niya para sa kaniyang pamilya.

Sa aking opinyon, walang mabuting mensahe ang libro. Ang tinalakay sa gawa ni Benjamin P. Pascual ay sensitibo at inasahan kong ilalahad niya ito ng may respeto at makakapag bukas sa mga isipan ng tao ngunit sa aking binasa akin lamang naiisip na ang mga taong nagkaroon ng tsansang basahin ito ay may posibilidad na lumiit ang pintuan ng kanilang kakayahan para umunawa sa mga nangyayaring diskriminasyon sa lipunan ngayon.

Ako’y nagulumihanan sa nabasa dahil sa mga desisyong ginawa ni Pascual sa kaniyang mga sinulat. Una, ang naggahasang si Rafael ay hindi humarap sa kaparusahan ng batas dahil siya ay nagpakita ng awa at paulit-ulit na sinisisi ang nagawa dahil sa alak. Walang sapat na dahilan ang panggagahasa, ang pagsasabi na lasing ang isang tao nang gawin niya ang krimen ay hindi katanggap-tanggap. Pangalawa, ang pagtuturing kay Margarita ng kaniyang asawang si Rafael bilang isang babaeng hindi karapat-dapat dahil siya’y wala na ang pagka-birhen niya nang sila’y magtalik at si Ligaya naman ay isang babaeng karapat-dapat dahil siya’y birhen pa ng gahasain ni Rafael. Ang isang babae ay hindi dapat hinuhusgahan base lamang sa kaniyang ekspiryensa sa pagitan ng kaniyang mga hita. Ang panghuli ay ang pagma-manipula ni Rafael kay Ligaya, sa pag-amin ni Rafael na siya ang lalaki sa dilim ay ipinipilit ni Rafael ang kaniyang sarili kay Ligaya, sinabi niyang wala nang magagawa ang babaeng ginamot niya upang makakita muli na pakasalan siya dahil sila’y may anak na at sa pag-uusap na iyon ay marahil naisip ni Ligaya na siya’y may utang na loob sa doktor at agad niyang napatawad si Rafael, ang gumahasa sa kaniya.

 

Advertisements

a warning sign;

I love to read but I fail to write.

Currently, a seventeen-year-old girl who’s trying to practice writing in English because for the next semester (that will start in six days) I will take up creative writing, won’t hurt to start now. Grabbing words from different places, up and down, left and right, and putting them together is frustrating, to say the least. Ideas will come and go through my head but once I get my hands on a keyboard, my eyes will stare at them resting at the collection of letters, numbers, and symbols while my mind will stumble on words that are never right.

I watched and read a whole bunch of writing techniques, too, to help me through this writing crisis. Not even a smudge improved. I also tried to write some poetry, I think they turned out to be pretentious. One time I tried to write a fan fiction (Destiel) and I planned it to be a lengthy one, two chapters in and I completely wiped all of it from the face of Word Document (I probably should’ve outlined first). I also tried to write a short story but I was having a hard time (surprise) to make it short, that sounds ridiculous but yes, I can’t contain all of them in a one-shot.

Procrastination, another reason and may be the primary reason. See, I told myself constantly that I would start writing something down even if it’s crap but I never do it, back from 2014 I was determined to join the DCBB (Dean and Cas Big Bang) for the year after, last year I promised that this will be the year  that I’d join NaNoWriMo (it already started), a couple of months before I promised, yet again, that I would start the outlining process of whatever story I’d think of (in six days the break will be over).

I wish I could change on how I think, I have no patience in these kinds of things. If I want something I want it to be made easily, this is also why I have no idea what will be my profession (I will write a blog post for this, too). Of course, this is not how things work so in making this blog I would like to overcome all of my issues in writing, slowly but successfully.

► I Found – Amber Run